Makalipas ang dalawang buwan ay nagbabalik na sa kaniyang Instagram account ang mga archived posts ni aspiring Hollywood actress Liza Soberano na naging hudyat ng kaniyang kontrobersyal na “rebranding” nitong mga nakalipas na buwan.

Kung bibisitahin ang Instagram account ng Careless artist, kapansin-pansin na rito ang pansamantalang itinagong contents ng aktres noong Pebrero na umani ng kaliwa’t kanang saloobin sa parehong fans at maging sa talent industry.

View this post on Instagram

A post shared by Liza Soberano (@lizasoberano)

Teleserye

Buong produksiyon ng 'Batang Quiapo,' pina-drug test ni Coco

Basahin: Paglaho ng contents ni Liza Soberano sa IG, YouTube, ‘di dahil sa hacker – Ogie Diaz, Boy Abunda – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Basahin: Ogie Diaz, Boy Abunda, rambol ang opinyon kaugnay ng online ‘rebranding’ ni Liza Soberano – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Matatandaang dito rin nagbunga ang kaliwa’t kanang kontrobersiya lalo kasunod ng kaniyang “This Is Me” vlog sa YouTube.

&t=524s

Basahin: Liza Soberano, binasag ang katahimikan tungkol sa panibagong tinatahak ng career – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Basahin: Boy Abunda, sobrang dismayado kay Liza Soberano: ‘Do not disregard your past!’ – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Basahin: Ilang Kapamilya heads, may pukol na pasaring kay Liza Soberano? – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Gayunpaman, makalipas ang dalawang buwan ay patuloy pa rin at buong tapang na pinaninindigan ng aktres ang kaniyang tinatahak na career path.

Kamakailan ay napabalita ang aktres na kabilang umano sa cast ng isang sikat film adaptation.

Basahin: Liza Soberano kasama raw sa cast ng film adaptation ng isang libro? – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Nitong Biyernes, Abril 28, tampok din si Liza sa mental health oriented podcast na “Get Real” ng DIVE Studios kasama sina Ashley Choi at Peniel kung saan muli niyang ibinahagi ang napagdaang “PR crisis” nitong nagdaang mga buwan.

Samantala, nananatili namang naka-archive sa YouTube ang dating mga content ng aktres na kasabay ng kaniyang rebranding ay naglaho rin noong Pebrero.

Basahin: ‘Liza o Hope?’ Netizens, hilong-talilong, litong-lito na kay Soberano – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid