Tila matagal pa bago humupa ang pagkalma ng netizens sa kontrobersyal na si James Reid na kamakailan ay inokray na naman ng maraming netizens dahil sa “baduy” umanong pananamit.

Isang Instagram reel noong Lunes, Abril 24, ang ibinahagi ng singer-actor para sa isang brand ng pabango.

Dito makikita si James na mula sa isang fresh-from-shower look habang hawak ang susuoting outfit of the day (OOTD) ay biglang nag-transform sa kaniyang final getup in a split second.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Habang ilang netizens ang pinuri ang fashion sense ng singer-actor ay mababasa naman ang marami sa kanilang may sey sa gayak ng aktor sa partikular na reel.

“Miss the old James well,” sey ng isang Instagram user.

“Not gay. Wala lang originality 😂😂 Jericho Rosales yarnnn?? 😂” isa pang unsolicited comment mula sa isang netizen.

“Lol why james reid become korean popstar looking a**. Miss the old him! Seems like he’s finding himself I guess,” segunda ng isa pa.

“Very trying hard.”

Mababasa rin ang isa umanong objective lang na comment ng isa pang user sa parehong IG reel ng aktor.

“I'm not trying to hate and just want to see you and others succeed. So please take this as constructive criticism... As men get older, their style should get better and more refined. You're talented, and if you're smart, you would fire your stylist. If you don't have one, please get one that has good taste. This fit looks like a bad outfit from the 1997 set of the mv Barbie Girl by Aqua. It's trying too hard and fit for a juvenile. It's giving sleazy porn vibes in pastel. Progress instead of regress,” mahabang talak ng nasabing netizen.

“Naging baduy ang vibes noh?” hirit ng isa pa.

Hindi rin nakaligtas si James sa ‘di mamatay-matay na isyu kaugnay ng kaniyang sekswalidad sa kabila ng ilang beses nang paglilinaw ukol dito.

Kaya naman todo-tanggol din ang loyal fans ng aktor sa mga alegasyon.

“bading agad dahil marunong pumorma ? ugh babaw ng mga utak nyo. Nakakahiya sa mga RRJ nyong tshirt at fake Nike na sliders, 😂” talak ng isang loyal follower ng aktor.

Noong Marso nang ulanin ng kontrobersiya si James matapos i-reveal ang relasyon kay Issa Pressman.

Basahin: James Reid, pinili si Issa Pressman, nalagasan naman ng 40,000 followers sa Instagram – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid