Kinumpirma ng talent manager na si Ogie Diaz na nagdadalamhati ngayon sa pagpanaw ng ina na hindi umano nagpaabot ng personal na pakikiramay ang dating talent na si Liza Soberano at boyfriend nitong si Enrique Gil.

Ito ang matutunghayan sa pinakahuling showbiz update ni Ogie kasama sina Mama Loi at Tita Jegs.

“Sa Friday pa naman ang libing ng nanay ko. ‘Di natin alam, baka magpaabot si Liza. So far, wala akong natatanggap na Viber or text kay Liza. Malay naman natin, umabot hanggang Friday,” sey ng manager sa in-upload na YouTube content nitong Biyernes, Abril 28.

Tila kumpirmado namang hindi nga nagpaabot ng pakikiramay ang aktres dahil bagaman nahuhuli ang showbiz update ay walang paglilinaw o latest update na ginawa sa nasabing video ang editing team ng manager.

Vic Sotto, nasaktan sa ginawa ng TAPE sa Eat Bulaga

“Pero okay lang naman. ‘Pag kung sino lang ang makakaalala. Hindi naman natin alam, baka sa isang socmed [social media] niya o sa mga ibang post nag-post siya. Pero sa’kin wala, in personal wala. Pero malay mo naman Loi, busy lang ang lola mo. ‘Yun ang isipin natin,” sey niya.

Maging ang boyfriend din umano ni Liza na si Enrique Gil ay “hindi din” aniya nagpaabot ng pakikisimpatya, ani Ogie.

“Alam mo hindi tayo pwede magdikta kung sino ‘yung gusto natin makiramay sa’tin ‘di ba? Kung sino ‘yung gustong makaalala na makiramay nang taos sa puso, ‘yun ang mangumusta o makiramay sa’tin. Pero ‘yung hindi nararamdaman ang sinseridad ng pakikiramay, ‘wag gawin,” aniya gayunpaman.

Samantala, nagpasalamat naman ang manager sa pagbuhos pa rin ng mga kaibigan sa showbiz sa wake ng kaniyang ina kabilang na sina Jackie Lou Blanco, ang mentor na si Cristy Fermin, Paolo Contis, Ryan Bang at Sylvia Sanchez.

Ilan din sa personal na nagpaabot ng pagdamay kay Ogie sina Gladys Reyes, Joel Cruz, Marissa Sanchez, Vhong Navarra, at Eian Rances.

Basahin: ‘Hindi na kami choosy’: Ogie, nagluluksa sa pagpanaw ng ina, proud sa naibigay bago pumanaw – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Sa huli, nauunawan naman ng manager na maaaring may sakit o nag-iingat lang ang ilan sa mga kaibigan dahilan para hindi makarating sa burol ng ina.

“Ang importante ay mairaos nang maayos ito at maidala ang aking mahal na ina sa kanyang hiling na maitabi siya sa kaniyang asawa, sa aking tatay,” dagdag ni Ogie.

&t=1441s