Bagabag, Nueva Vizcaya -- Naaresto ang 45-anyos na lalaki sa isang checkpoint sa Tuao North, Bagabag noong Huwebes, Abril 27.

Kinilala ang naarestong suspek na si Julius Cleto Ramirescalng P-1 Tuao South, Bagabag Nueva Vizcaya na may kasong frustrated homicide.

Nakatanggap ng impormasyon ang Intelligence Operatives ng Bagabag Municipal Police Station na ang suspek ay patungong Quirino Province sakay ng kaniyang Toyota Corolla.

Agad na nagsagawa ng Anti-Criminality Checkpoint ang Bagabag Police na pinangungunahan ni Captain Mervin Beadoy.

Probinsya

Catanduanes, niyanig ng magnitude 6.1 na lindol

Matagumpay na na-flag down ang sasakyan at naaresto sa suspek sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Hon. Leo Felix Domingo, acting Presiding Judge ng Regional Trial Court Branch 28 Bayombong, Nueva Vizcaya.

May inirerekomendang P120,000 na piyansa para sa pansamantalang paglaya ng suspek.