CAGAYAN DE ORO CITY - Hinahabol na ng Social Security System (SSS) sa naturang lungsod ang 22 kumpanyang hindi nagre-remit ng kontribusyon ng kani-kanilang empleyado na aabot sa P7.2 milyon.

Ito ang inihayag ni SSS Lapasan branch manager Valentine Aunzo nitong Biyernes at sinabing bahagi lamang ito ng kanilang kampanyang Run After Contribution Evaders (RACE) sa buong bansa.

"We are doing this activity to bring awareness to those employers and establishments who failed to comply with their SSS legal obligation," aniya.

Ikinatwiran ni Aunzo na nasa batas (Republic Act 11199) ang pagbabayad ng SSS contributions kung saan inaatasan nito ang mga employer na kumbinsihin ang kanilang manggagawa na pakinabangan ang mga baneopisyo mula sa ahensya.

Probinsya

Catanduanes, niyanig ng magnitude 6.1 na lindol

Idinagdag pa ng SSS na naglabas na sila ng show-cause order laban sa 22 na delinquent employers kaugnay sa usapin.

Philippine News Agency