BAGGAO, Cagayan -- Iniimbestigahan ng awtoridad ang pag-abandona sa isang bagong silang na sanggol na natagpuang patay sa Barangay San Jose sa lugar na ito, ayon sa ulat nitong Biyernes.

Sa ulat ng awtoridad, pitong person of interest ang kanilang iniimbestigahan.

Ayon kay Police Captain Jackielyn Urian, Deputy Chief of Police ng PNP Baggao, na natagpuan ng may-ari ng isang boarding house ang katawan ng lalaking sanggol sa isang basurahan noong Abril 26.

Sinabi ng may-ari na bago niya makita ang katawan ng sanggol ay may nakita siyang nagsunog ng basurahan sa kanilang compound.

Probinsya

Catanduanes, niyanig ng magnitude 6.1 na lindol

Kinabukasan nang lilinisin niya ang compound, doon niya nakita ang sanggol.

Noong una raw ay inakala niyang manika ito ngunit nang lumapit siya ay nakita niyang bagong silang na sanggol ito.

Patuloy namang iniimbestigahan ng awtoridad ang persons of interest.