Hindi man busy sa showbiz ang miyembro ng Sexbomb Dancer at aktres na si Sunshine Garcia, abala naman ito sa pagiging housewife ng aktor at Vice Governor ng Bulacan na si Alex Castro.

Katunayan, ibinahagi niya sa kaniyang Facebook ang mga larawan kung gaano karami ang kaniyang magiging labahin ng mano-mano. Biro tuloy ni Sunshine bawal siyang biruin.

“Bawal magbiro sa akin ngayon pagod ako. After ilang years ngayon lang ulit nakapaglaba ng ganito kadami. Alam ko kaagad na late na ako matatapos.”

Hindi komo si Sunshine ang maglalaba ay dahil wala silang kasambahay, mayroon naman daw. Yun nga lang nagkasakit lang daw yung taga-laba nila. Kaya naman pagod-paguran siya sa dami ng kinusot at binanlawan na labada na aminadong ilang taon bago nakapaglaba muli. Sa litanya ni Sunshine ramdam mo talaga ang kaniyang pagmamahal at malasakit sa mga kasambahay.

Eleksyon

Ex-Pres. Rodrigo Duterte, tatakbong mayor sa Davao City; ayaw tumakbong senador?

“Baka may mag-ask wala ba kaming kasambahay? Syempre meron pero hindi na sakop ng trabaho nila ang maglaba ng ganyan kadami, kahit sabihin pa na sinasahuran naman sila hindi ganun ang mindset ko sa kasambahay, nandyan sila para TULUNGAN ka at hindi gawing ALILA. Tumulong din naman sila kanina hindi kasi sila sanay na ako ang maglalaba. Meron talaga kaming taga-laba nagkaroon lang ng sakit."

Mukhang sanay sa gawaing-bahay si Sunshine dahil ito raw ang naituro ng kaniyang Nanay na gusto niyang matularan ng kaniyang mga anak.

“Ito talaga ang isa sa pinaka magandang naituro ng Nanay ko sa akin yung gawaing bahay literal na “ALL AROUND” kaya naman hindi ako mahihirapan just incase na wala akong kasambahay."

“Isa din ito sa gusto kong ituro sa mga anak ko kahit puro boys pa sila yung matuto sila ng gawaing bahay, feeling ko kasi isa yun sa BASIC na dapat mong matutunan sa loob ng bahay.. plus points kaya sa akin pag alam ko yung tao alam lahat ang gawaing bahay bihira lang kasi yun. Wala lang na share ko lang.”

Partida sa kanila pa lang mag-asawa ang labada na iyon wala pa raw sa mga anak nila. Dahil kung isasama raw baka abutin siya ng kinabukasan.

Anyway, kinagiliwan naman ang naging komento ng loving husband ni Sunshine, si Vice Gov. Alex Castro. Wika niya pag-uwi daw nito ay may masahe (hand and back massage) raw si Sunshine sa kaniya. Pinuri ng mga netizens ang naging komento ni Vice Gov dahil napaka-sweet daw ng asawa ni Sunshine.

Nakakaaliw naman ang naging hirit ni Sunshine, sana raw may bonus dahil puro oil control ang nakita sa bulsa ng damit ng asawa.

Samantala, tinupad ni Vice Gov. Alex ang masahe niya kay Sunshine dahil ipinost ng huli sa Facebook niya ang video ng pagmamasahe. Ang lakas makagood vibes ng video dahil natatawa na lang si Sunshine sa bawat hagod ng masahe ng kanyang asawa habang ilang beses ipinaalala yung wallet niya lagyan daw ng laman dahil malungkot daw.

“At dahil nga sa naglaba ako kahapon syempre tinupad nya po ang promise nya na massage. Akala ko drawing lang. Pagod na din yan pero alam nya pagod din maglaba. hahaha thank you Papa unang hagod akala pa lang puro lamig na. VG Alex Castro pwede naman ako araw-araw maglaba."