Matapos ang 26 taon na pagtatago sa batas dahil sa kasong murder, nahuli na ng pulisya ang isang umano'y miyembro ng Abu Sayyaf Group (ASG) nang salakayin ang pinagtataguan nito sa Languyan, Tawi-Tawi nitong Huwebes.

Kinilala ang bandido na si na Tatoh Datu Adingih na nagulat sa pagsalakay ng mga tauhan ng Special Action Battalion sa kanyang pinagtataguan sa Barangay Simalac.

“This was an intelligence-led operation. The suspect is classified as number nine in the most wanted person list in Tawi-Tawi,” ayon kay Philippine National Police-Special Action Force (PNP-SAF) chief, Brig. Gen. Rudolph Dimas.

Isinagawa ang operasyon batay na rin sa warrant of arrest na ipinalabas ni Judge Abdulmaid K Muin ng

Probinsya

Catanduanes, niyanig ng magnitude 6.1 na lindol

Regional Trial Court Branch 5 sa Bongao, Tawi-Tawi.

Tumulong din sa operasyon ang mga operatiba ng Maritime Group, BASULTA (Basilan, Sulu, Tawi-Tawi) Regional Mobile Force Battalion at Philippine Navy.

Aaron Recuenco