Aabot sa ₱7.9 milyong umano'y puslit na sigarilyo ang isinuko sa mga awtoridad sa Cagayan de Oro kamakailan.

Sa Facebook post ng Bureau of Customs (BOC), isang delivery truck driver ang nag-surrender ng 50 kahon ng sigarilyo sa Cagayan de Oro Police Station 10.

Ayon kay Dela Cerna, kinontrata ang nasabing grupo ng driver upang i-deliver ang mga piyesa ng sasakyan sa Dasmariñas, Cavite mula sa Zamboanga.

Sasakay na sana sila sa RoRo (Roll on/Roll off) vessel sa Surigao nang madiskubre nila na kahun-kahong sigarilyo ang laman ng truck taliwas sa naunang unang deklarasyon ng may-ari nito.

Dahil dito, ipinasya nilang isuko na lamang sa pulisya ang kargamento sa pangambang makasuhan ang mga ito.

Probinsya

DepEd, nakiramay sa pagpanaw ng isang student-athlete mula sa Ilocos Norte

Hawak na ng BOC-Port of Cagayan de Oro ang kargamento.

Iniimbestigahan na ng mga awtoridad ang kaso upang mapanagot ang may-ari ng kargamento.