Trending na naman sa Twitter ang aktres, TV host, at social media influencer na si Alex Gonzaga matapos umanong "magpasaring" sa ka-back-to-back na noontime show na "It's Showtime," sa closing spiels niya sa noontime show nilang "Tropang LOL" nitong Miyerkules, Abril 26.

Batay sa kumakalat na spliced video clip sa Twitter, mapapanood na nagbiro si Alex tungkol sa "overtime" na naging isyu na nila noon sa Showtime.

72 PDL's ng Manila City Jail, naka-enrol sa PUP Open University

https://twitter.com/KafosoMo/status/1651172296357281792

"Huwag na natin 'tong tapusin mag-overtime tayo, huwag natin silang papasukin," sey ni Alex, na ang sabi ng mga netizen ay maaaring tumutukoy sa Showtime na kasunod nila.

"Mapuputol pa rin," banat naman ng dating Showtime host na si Billy Crawford, na ang ibig sabihin ay maka-cut na ang pag-ere at antimanong Showtime naman ang susunod.

Pagkatapos ay sumeryoso na si Alex at ibinato na ang kaniyang closing spiel.

Subalit bumanat na naman siya nang kunwari ay naiiyak na sinabi naman ni Billy ang kaniyang spiel.

"Baka naman bumalik ka ro'n ah…" biro ni Alex kay Billy na ikinatawa nito.

Bagama't obviously ay biro lamang ito, mukhang hindi ito nagustuhan ng madlang netizens lalo na ang fans ng Showtime. Narito ang ilan sa mga reaksiyon at komento ng netizens.

"Ay wala pong character development?"

"Sana talakan ni Vice Ganda nang magtanda."

"Si Yani (Bayani Agbayani) nga tahimik na lang eh hahaha. Nasampolan na kasi, saka may serye siya sa ABS-CBN."

"Hayan na naman siya… sabagay last n'yo na 'yan."

"Parang bitter naman yung isa diyan?"

Samantala, wala pang reaksiyon, tugon, o pahayag si Alex tungkol dito.