Bored lang daw noon si ex-PBB housemate Lie Reposposa nang mapa-search sa isang social media site ng random na pangalan kung saan lumabas nga ang pangalan ng ngayo’y British fiancé na si Paul Joshua Marsden.

“Nag-search lang ako ng mga pangalan kasi bored kasi ako nun, wala akong magawa,” nakakagiliw na kuwento ni Lie sa Magandang Buhay nitong Miyerkules, Abril 26.

Relasyon at Hiwalayan

Pagpapakasal dahil lang sa anak, 'di bet ni Janella Salvador

“Tapos pagka-search ko nakita ko yung picture niya edi clinick ko tapos timing nun, meron siyang story kaya hineart ko para naman my first move,” pagpapatuloy ni Lie na ikinakilig naman ng MB hosts.

Dito raw sinabi sa kanya ni Paul na maganda raw siya kaya’t napapindot din ng follow button sa aktres.

“Tapos hindi ko siya finallow kaya siya yung nag-follow sa’kin tapos hineart niya lahat ng mga post ko,” haba ng hair na kuwento ni Lie.

Isang Instagram story naman ang naging hudyat para mapa-slide sa DM ni Lie ang British netizen.

“Tapos ‘yun, chinat niya ‘ko: ‘You look so beautiful.”

Paglalarawan ni Lie, magaan lang aniya kausap si Paul na parang “boy version” ng kaniyang personalidad.

Dito sunod na inihirit naman ni Momshie Melai ang struggle o nito pagdating sa komunikasyon.

“Nung una nahirapan talaga ako kaya palaban ako sa Google translate, yung mga Tagalog. Tapos nagugulat siya kasi ang tagal ko raw mag-reply,” pagpapakatotoong sey ni Lie na ikinatawa rin ng mga host.

Umabot muna ng halos dalawang buwang usap online sina Lie at Paul bago lumipad ng Pilipinas ang binata para i-meet nga ang aktres.

“’Di ko talaga alam na pupunta talaga siya, na serious talaga siya sa akin,” sey ni Lie

“Sabi niya pupunta raw siya sa Pilipinas para sa 'kin lang. Tapos bumili siya ng ticket, nagkita kami. Grabe pogi na siya sa picture pero sa personal grabe sobrang pogi. Ang flawless! Grabe promise tapos ang tangkad,” kinikilig na paglalarawan niya kay Paul sa mga momshie

Aminado namang todo-handa noon sa pagpapaganda at pagwo-workout si Lie para sa unang pagkikita nila ni Paul.

Noong Disyembre 2022 nang i-reveal ni Lie ang partner sa social media. Nitong Pebrero naman nang ianunsyo ng aktres ang kanilang engagement.

Basahin: ‘Prayer reveal naman!’ Lie Reposposa, hiniritan ng mga netizen, paano raw magkajowa ng afam – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Basahin: Haba ng hair! PBB finalist Lie Reposposa, iflinex ang British boyfriend – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid