Tila naniniwala ang tinaguriang “The Voice” na si Jed Madela sa magic ng pag-manifest ng mga dreams online.

Ito ay kasunod ng kaniyang Facebook post nitong Miyerkules, Abril 26 ukol sa isa pang pangarap.

“Manifesting that one day, my dream of owning a cafe/coffee shop will come true,” sey ng Kapamilya singer.

Pelikula

Sine Singkwenta: ₱50 na movie ticket, handog ng FDCP at MMFF

Supportive naman ang ilang netizens at followers ni Jed na pawang dasal at paghikayat lang sa singer ang mababasa sa comment section ng naturang post.

Kilala si Jed sa kaniyang ilang personal na saloobin na mababasa sa mga post ng kaniyang verified account.

Basahin: Cryptic post ni Jed Madela, usap-usapan online – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Noong 2022 rin ng tanungin ng singer ang universe kung kailan siya makakapagtanghal ng solo concert sa Mall of Asia arena.

Kamakailan ay naging personal din si Jed kaugnay ng kaniyang singing career.

Basahin: ‘Hindi na masaya?’ Jed Madela, may inamin tungkol sa singing career – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid