Bilang pasasalamat at pagtanaw ng utang na loob sa mga tinatamasa ngayon sa buhay, pina-tattoo ng komedyante at online personality na si Brenda Mage ang ABS-CBN logo sa pulsong bahagi ng kaniyang kamay.

Taong 2020 pa nang ipa-ukit ni Brenda ang logo, pagbabahagi niya sa isang viral post nitong Miyerkules, Abril 26.

“Wala naman…..simple lang……2020 nung pinatattoo ko to dahil sa kadahilanang kung anung meron ako sa buhay ito ay dahil sa ABS-CBN dahil ito ang network na to ang dahilan ng pangarap ko maging Artista.. at ito din ang Tumupad ng pangarap ko,” sey niya.

Ang Kapamilya Network din aniya ang naging daan para sa pangarap niyang “maging celebrity.”

Tsika at Intriga

Mark Andrew Yulo, naniniwalang babalik sa kanila ang anak na si Carlos

“Narating ko rin ang kung anung meron ako ngayon at natupad ko rin pangarap ng Pamilya ko kaya im Grateful na naging part ako ng Network na to. Thankyou ABS-CBN forever Kapamilya,❤️💚💙” pagtatapos niya.

Matatandaan noong 2018 nang mag-viral siya matapos maging bahagi ng It’s Showtime partikular sa segment na Miss Q&A.

&t=2s

Lalo rin nakilala si Brenda sa kaliwa’t kanang guesting sa Kapamilya Network.

Taong 2021 naman nang maging tampok ang komedyante sa celebrity edition ng Pinoy Big Brother Kumunity kung saan napabilang siya sa Top 5.

&t=64s