Inaasahang papasok sa bansa ang 14 na bagyo ngayong taon.

Ito ang babala ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) nitong Miyerkules at sinabing 10 sa naturang bilang ang tatama sa Philippine area of responsibility (PAR) mula Mayo hanggang Oktubre.

Naitala ng PAGASA ang unang bagyo nitong Abril at tinawag na "Amang."

Gayunman, nilinaw ng ahensya na makararanas lamang ng near-normal rainfall mula Mayo hanggang Setyembre batay na rin sa kanilang pagtaya.

Probinsya

Catanduanes, niyanig ng magnitude 6.1 na lindol

Asahan naman ang above-normal rainfall sa ilang lugar sa Northern at Central Luzon simula Hulyo.

Ilang bahagi naman ng Bicol Region, Visayas, at Mindanao ang makararanas ng below-normal rainfall sa Agosto.

Idinagdag pa ng PAGASA, makararanas lamang ng kaunting ulan ang ilang lugar sa Luzon, kabilang na ang Metro Manila, at ilang bahagi ng Visayas at Mindanao pagsapit ng Oktubre.