Nalulungkot umano ang Kapuso actor na si Paolo Contis na masyado silang pinagmukhang masama sa publiko, ng kaniyang kasalukuyang girlfriend na si Yen Santos.

Matatandaang naging kontrobersyal ang ugnayan ng dalawa na sumabay sa balitang hiwalayan nina Paolo at dating Kapuso actress na si LJ Reyes, na ngayon ay nasa Amerika kasama ang mga anak.

"It's sad to say na super na-demonize kami pareho in terms of, parang super laki. Katulad nga ng sinabi mo pagdating mo kanina, 'Oh! The world's hatest man," sey ni Paolo.

Pag-amin ni Paolo, marami siyang nagawang pagkakamali noon kay LJ pero marami pang hindi alam ang madlang pipol sa tunay na mga nangyari at detalye, pero nais na lamang itong isa-pribado ng aktor.

Paolo mas bet 'itago' si Yen

Gayundin ang tinatahak ngayon ng relasyon nila ni Yen; mas gusto nila aniyang "itago" o hangga't maaari ay gawing pribado na rin, at malayo sa mapanghusgang mata ng publiko.

Alam naman ng lahat na hindi naging maganda ang pagsisimula nila ni Yen, na pinagmulan ng iba't ibang memes. Bentang-benta pa rin hanggang ngayon ang linyahang "as a friend."

Napaka-pribadong tao raw ni Yen, at para kay Paolo, advantage ito. Ito rin aniya ang bet niya, so nagwo-work sa kanila kung anuman ang meron sila sa kanilang relasyon ngayon.