Binibigyan ni Manila Mayor Honey Lacuna ng pag-asa ang mga pasyente ng cancer at dialysis sa lungsod.

Ayon kay Atty. Princess Abante, na siyang tagapagsalita ni Lacuna, naghahatid ang alkalde ng pag-asa para sa residente na dinapuan ng naturang mga karamdaman sa pagsasagawa nito ng kanyang regular na 'door-to-door doktora' program, bilang bahagi ng kanyang 'Kalinga sa Maynila' fora na idinaraos sa mga barangay.

Para sa alkalde, ang mga ngiti at luha ng kaligayahan na nagmumula sa mga pasyente na kanyang dinadalaw, lalo na ang mga bedridden at mga senior citizens, ay walang katumbas na kabayaran.

Sinabi ni Abante na sa pamamagitan ng nasabing programa, kung saan dinadalaw ni Lacuna ang hanggang 10 kataong maysakit sa mga barangay kung saan idinaos ang forum, ay nakikilala ng alkalde ng personal ang mga pasyente at nalalaman ang kanilang pangangailangan upang kaagad itong matugunan.

Metro

Iskedyul para sa Undas, maagang inilabas ng Manila North Cemetery

"No amount of smear campaign will discourage the mayor from continuing what she had been doing.The fact that there are attempts to dissuade the mayor from pushing through with her programs only goes to prove that we are doing the right thing," pahayag pa ni Abante.

Binigyang-diin pa nito na ang mga residente na dinalaw ni Lacuna ay nagpahayag ng kanilang pasasalamat at utang na loob sa pamahalaang lungsod, na kinakatawan ng alkalde na totoong nagmamalasakit sa mga maysakit at nagkakaloob ng pag-asa sa mga maysakit.

Matatandaan na una ng pinamunuan ni Lacuna ang social welfare department ng Manila City Hall at ito ang dahilan kung kung bakit bihasa siya sa lahat ng pangangailangan ng bawat sektor sa Maynila, lalo na ang mga tinatawag na mga less-privileged.