Camp Olivas, San Fernando, Pampanga -- Naaresto ng mga awtoridad ang mga tulak ng droga sa magkahiwalay ng anti-illegal drug operations sa Bulacan at Angeles City noong Abril 22 at 24, ayon sa pagkasunod-sunod.

Nagsagawa ang pulisya ng buy-bust operation sa Barangay Bigte, Norzagaray, Bulacan na nagresulta sa pagkakaaresto kina Sarrial Bartolome at Nonelon Jose.

Nasamsam mula sa kanila ang heat-sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng pinaghihinalaang shabu, at isa pang malakingheat-sealed transparent plastic sachet na naglalaman din ng umano'y shabu na may kabuuang timbang na hindi bababa sa 10 gramo at may estimated value na₱68,000.

Nauna na rito, naaresto sa Angeles City ang isang High Value Individual at miyembro umano Sputnik Gang na si Jonah Francia alyas "Yusup" sa isang buy-bust operation sa Interior St. Barangay Ninoy Aquino, Angeles City.

Probinsya

Catanduanes, niyanig ng magnitude 6.1 na lindol

Nakumpisa sa kaniya ang isang gray sling bag, Yamaha Mio motorcycle, dalawang heat-sealed plastic sachet na may lamang umano'y shabu, at isang nakataling plastic na naglalaman ng umano'y shabu na may timbang na hindi bababa sa 105 gramo at may estimated value na₱714,000.