"Parang ang asim…" Iyan ang naging reaksiyon ng social media personality na si Valentine Rosales, matapos i-ulat ng Balita na maraming netizens ang "natakam" sa motivational abs ni Rendon Labador.

Ayon pa kay Valentine, mukhang panis na raw ang motivational rice na nakain ni Rendon.

Aniya, "Paano naging motivational yan? Parang ang asim, napanis ata 'yung motivational rice."

Netizens, tulo-laway sa 'motivational pandesal' ni Rendon Labador

Hirit naman ng isang netizen, bagay na bagay daw umano sina Rendon at Valentine na magcollab sa isang BL project.

"Ang love team niyo ay "TineDor," pabirong hirit ng isa pang netizen.

Matatandaang, hinamon ng socmed personality ang gym instructor na si Rendon, sa isang kakaibang wrestling kung saan pareho silang maubusan ng lakas.

Sumagot naman si Rendon sa hamon ni Valentine na tila hindi niya ito ikinatuwa.

“Hindi ako nakikipagbiruan sa’yo. 'Yung mukha mo na lang biruin mo, huwag ako,” saad ni Rendon.