Tila sumabay sa init ng panahon ang social media personality at motivational speaker Rendon Labador, matapos iflex ang kaniyang "motivational abs" na nagpatakam sa netizens.

"Ano meron? Parang sobrang init ngayon? Pwede ba lumabas ng walang t-shirt? Buti na lang #MotivationalRice kinakain ko, nakakatipid ako sa pag bili ng mga damit," caption niya sa kaniyang Facebook post kasama ang maalindog na larawan.

National

Bilang ex-DepEd chief: VP Sara, masaya sa naitayong museo sa Camarines Norte

Pabirong hirit naman ng isang netizen, kailangan niya na umano umorder ng maraming motivational rice para magkaroon din siya ng "motivational abs."

Narito ang komento ng netizens:

"Yummy ni Dzaddy Rendon."

"Sumabay ka pa sa init ng panahon."

"Titikman, aalagaan at pagsisilbihan."

"Mas masarap ka pa sa kanin Idol."

"Wala na tinapos mo na ang laban idol!"

Hindi naman ikinagulat ng netizens ang matipunong katawan ni Rendon dahil bukod umano sa pagiging motivational speaker, isa rin siyang gym instructor.