Rektang sinagot ng kilalang si DJ ChaCha ang isang “manliligaw” online kahit na hindi lingid sa publiko na pamilyado na ang radio host.

Isang nagngangalang James kasi ang tila nag-landing sa DM o direct message ni DJ ChaCha.

Tsika at Intriga

Chloe San Jose, mas pinipiling maging 'authentic' na tao kaysa people-pleaser

“Ligawan na lang kita,” mababasa sa message ng nasabing James.

“Madali naman ako kausap, James,” tugon ng DJ na ang payo sa suitor ay ipaalam ang intensyon sa kaniyang asawa. LOL!

Ito ang laugh trip na pagbabahagi ng host sa kaniyang Facebook post nitong Lunes, Abril 24 na umani ng halakhak mula sa libu-libong followers.

“Update ko na lang kayo kapag pumayag asawa ko,” dagdag niyang hirit sa netizens kaugnay ng wala sa hulog na alok.

Noong 2019 nang ikasal siCzarina Balba o DJ ChaCha sa kaniyang long-time partner na si Mike Guevarra. Mayroon na silang dalawang supling sa ngayon.

“Hulaan niyo na lang kung sinong James yan. Bahala kayo mabaliw dyan,” pagtatapos ni DJ ChaCha.