Engaged na sa isang private personality ang content creator na si John Fedellaga na kaniyang inanunsyo noong Disyembre 2022. Matapos ang ilang buwan ay tila kating-kati naman ang isang netizen na ipakita na nito sa publiko ang mapapangasawa.

Isang komento kasi sa latest YouTube upload ang inintriga ng isang netizen.

“John, ba’t ‘di mo pinapakita jowa mo? Kahit once lang. Daig mo pa nga celebrity sila nga kahit pano pinapakita at pinakilala naman eh,” unang talak ng netizen.

Basahin: Wow! Youtube star at tinaguriang ‘Omegle Queen’ na si John Fedellaga, engaged na! – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Relasyon at Hiwalayan

Pagpapakasal dahil lang sa anak, 'di bet ni Janella Salvador

“’Di ka ba proud sa jowa mo? Matanda na ba siya? Bata? Pinoy ba sya or puti?” sunod-sunod na tanong pa nito.

“I know privacy pero madami naman nakakakkita sa inyo sa America pero pano naman ‘yong mga fans mo sa Pinas?” pagtatapos nito.

Bago tugunan ni John ay isa nang subscriber nito ang humiling na respetuhin ang pasya ng content creator.

“Respect din ‘pag may time,” sey nito.

Sunod na mababasa ang sagot ng online personality.

“Request niya ‘yun so we have to respect it. Kung lahat ilalagay ko out there ano pang natira sa’kin ‘Yung mga nagpapakita ng jowa nila sa ‘yun hayaan mo sila. ‘Yun ang gusto nila,” sey ni John.

Makikita pang ibinahagi ni John ang sagot sa echoserang netizen sa kaniyang Facebook account.

“Respeto ang kailangan ‘pag ganun!” mababasa sa kaniyang caption.

Basahin: Nalalapit na kasal ni Omegle star John Fedellaga, kinondena ng netizen: ‘Nawa’y patawarin ka ng Diyos’ – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Hindi ito ang unang beses na naintriga si John kaugnay ng kaniyang partner.

Noong Disyembre rin nang kondenahin ng isang konserbatibong netizen ang anunsyo ng kaniyang engagement.

Matatandaang legal o kinikilala ang pagsasama ng LGBTQ partners sa Amerika.