Magtatatag pa ang pamahalaan ng mas maraming 'Kadiwa ng Pangulo' center sa bansa.

Sa social media post ng Malacañang nitong Lunes, Abril 24, layunin ng Pangulo na matulungan ang mga magsasaka na kumita ng malaki.

Mapakikinabangan din ito ng publiko dahil abot-kayang halaga ang alok na mga produkto nito.

“Ang aming ginagawa sa Kadiwa [ay] talagang pinaparami natin ‘yan. Ang nangyayari ay kailangan na rin talaga nating bantayan ‘yung supply ng mga agricultural commodity dahil kinukuha nga natin lahat nung mga mura, dinadaan natin sa Kadiwa. Eh very popular sa tao, siyempre at mas maganda talaga ang presyo kaysa sa ibang lugar,” pagdadahilan ni Marcos sa isang radio interview nitong Lunes.

National

Nancy Binay, nilinaw na 'di kaaway ang kapatid na si Abby: 'Pamilya pa rin kami!'

“Hindi pa tapos ‘yung pag-aayos natin ng Department of Agriculture. Ngunit, dahan-dahan alam na namin ‘yung kailangan natin gawin. Alam na natin kung saan ‘yung matibay ang sistema, kung saan ‘yung medyo mahinang sistema, kung saan puwede talagang… kailangan talagang tulungan, ‘yun ang aming mga tinitingnan ngayon,” anang Pangulo.

"Kaya’t siguro naman ‘yung P20, siguro down the road mapapaabot natin ‘yan. Ngunit mas mahalaga kaysa…‘yung mga specific na produkto ay makaabot ang Kadiwa sa maraming lugar,” dagdag pa ng punong ehekutibo.