Tiwala pa rin si Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. na matutupad nito ang ipinangakong ₱20 per kilo ng bigas.

Ito ang reaksyon ni Marcos matapos tanungin sa lagay ng ipinangakong maibaba sa nasabing halaga ang presyo ng bigas sa bansa.

Dahan-dahan aniya nilang ginagawan ng paraan ang usapin saan ang mahalaga ay alam na nila ngayon ang mga dapat gawin, kung saan mahina ang sistema at kung saan dapat na palakasin.

Umaasa ang Pangulo na darating din ang panahon na makakamit ang ₱20 na kada kilo ng bigas.

National

Bilang ng mga pro-Marcos, tumaas; bumaba naman ang mga pro-Duterte – OCTA

Aniya, hindi dapat na idaan lagi sa importasyon dahil kung minsan ay mahal din ang imported na bigas o produktong pang-agrikultura.

Isa sa tinukoy ng Pangulo na paraan para sa mababang pang-agrikultura ay ang binuksan nilang mga Kadiwa store.