Inspirasyon ngayon sa fans at netizens ang pagbabalik entablado ng gitaristang si Gab Chee Kee ng Parokya ni Edgar matapos ang ilang buwang pamamalagi sa ospital at patuloy na laban sa sakit na lymphoma.

Ito ay kasunod ng update ng bokalistang si Chito Miranda nitong Lunes, Abril 24 kung saan nakasama na muli ang kaibigan sa isang gig nitong Linggo, Abril 23. Maaaninag din sa larawan ang saya maging ni Gab na muling makapiling ang gitara.

Tsika at Intriga

Marc Nelson, nagsalita matapos madawit sa legal battle nina Maggie Wilson-Victor Consunji

“Nag-jam si Gab kagabi sa Your Song at sa Halaga (don't worry, nagpaalam sya sa doctor nya, at may kasama syang nurse buong time),” ani Chito na aminadong nabahala rin kay Gab at mas gugustuhin aniyang magpahinga muna ang kaibigan.

“As a bandmate, it was an overwhelming experience. Sobrang saya lang ng feeling na naka-jam si Gab ulit...nakakakilabot,” pagpapatuloy ni Chito.

Dito muling kinilala ng bokalista ang tulong na ibinigay ng fans para sa ilang buwang laban ng kaibigan sa ospital.

Basahin: Gitarang pirmado ng E-Heads, naisubasta sa halagang P1.3M; Gab Chee kee, patuloy na lumalaban sa sakit – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Basahin: Pinansyal na suporta sa laban ni Gab Chee Kee ng ‘Parokya ni Edgar’ vs lymphoma, bumuhos – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

“Sabi ko nga, kung hindi nyo kami tinulungan, wala na siguro si Gab ngayon...pero now, he's slowly getting his strength back, and is on his way to making a full recovery,” saad ng bokalista.

Bagaman nagpapatuloy pa rin sa gamutan si Gab ay “slowly winning” na ani Chito ang pinakikitang progress ni Gab ngayon.

Agad namang bumuhos ng well-wishes at pasasalamat mula sa fans para sa inspirasyong hatid naman ng gitarista sa kani-kanilang buhay.

“Nakakainspire Gab!! Isa kang tunay na mandirigma!! So happy for you and PNE❤️Been a huge fan of PNE simula bata pa ko. Continue to be Legendary!!” komento ng isang fan/

“Nakakainspired makita si idol Gab performing again. At mas nakaka admire po ang grupo nyo idolChito Miranda...salute sa samahan ng Parokya,” segunda ng isa pa.

“Nakaka amaze at nakaka touch nung napanood ko ulit si Gab mag perform. Solid talaga ng parokya, walang iwanan at walang kalimutan!❤️🤘

“Because... YOU'RE THE INCREDIBLE ABSORBING MAN... derecho lang sa pag sagwan idol Gab.... WE LOVE YOU...!”

“Ito yung nakakatuwa, from hospital bed to stage gig. Laban lang sir Gab!🦾. May God always guide and protect you from any infection and exacerbation.”

“Napaka solido po nung gabi na yun.. may naramdaman akong kurot sa puso ko nung narinig at nakita si Kuya Gab na nasa stage kumakanta at naggigitara.. yung kurot na hindi masaket pero kurot na malambing may dalang saya para sa aming mga taga pakinignyo.. maraming maraming salamat po sa isang gabi na hindi malilimutan mula sa amin na taga hanga nyo😍🤗

Basahin: Gab Chee Kee sa mga tumulong sa kaniyang patuloy na laban sa cancer: ‘Sobrang salamat!’ – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

“Isa sa mga highlight ng event nung sabado. Sobrang solid nyo!!🤘🤘

“Nakakatuwa makita na sobrang solid ng banda ng Parokya. Mula ng mga tingting palang sila hanggang lumobo, gang magkapamilya walang iwanan kahit pa sa karamdaman. Ibang klase! Long liveParokya ni Edgar♥️🥳🤘🏻👏🏻🙌🏻

“Yyoooowwwwwnnnnn slowly but surely kuya gab.. praying for your fast and full recovery😇😇walang iwanan sa parokya band👏👏👏👏!”

Umabot sa mahigit 36,000 reactions ang naturang post ni Chito sa pag-uulat.