Isang trainer aircraft ng Philippine Air Force (PAF) ang bumagsak sa Lipa, Batangas nitong Lunes ng umaga na nagsasagawa ng standard training flight.

Nakaligtas sa insidente ang dalawang piloto ng SIAI-Marchetti SF260FH trainer/light attack turboprop aircraft na hindi na isinapubliko ang pagkakakilanlan.

Sa pahayag ni PAF spokesperson Col. Ma. Consuelo Castillo, nagkaproblema umano ang eroplano dahil sa malakas na hangin sa Runway 21 ng Fernando Air Base sa Lipa City na nagresulta sa pagbagsak nito dakong 6:43 ng umaga.

“Despite the low altitude, the pilots were able to maneuver the aircraft to an open area within the air base’s perimeter causing no harm and damage to nearby communities,” pahayag ni Castillo.

Probinsya

Catanduanes, niyanig ng magnitude 6.1 na lindol

Kaagad na namang nailigtas ang dalawang sakay ng eroplano.

“Thankfully, both pilots, after going through the mandatory medical checks, have been declared safe and are undergoing treatment,” sabi pa ng opisyal.

Iniimbestigahanpa ng mga awtoridad ang insidente.

Matatandaangisa ring kahalintulad na eroplano ng PAF ang bumagsak sa Pilar, Bataan nitong Enero 25 na ikinamatay ng dalawang piloto nito.

Martin Sadongdong