Nasa pito na ang naiulat na namatay sa dengue sa Zamboanga City, ayon sa pahayag ng City Health Office (CHO) nitong Lunes, Abril 24.

Ipinaliwanag ni CHO chief, Dulce Amor Miravite, kabilang ang nasabing bilang sa 524 kaso ng sakit na naitala simula Enero ng taon.

Aniya, ang mga tinamaan ng dengue ay mula 0 hanggang siyam na taong gulang.

Kabilang sa mga nasawi ang tatlong bata nitong Abril. Tatlong sa nasabing bilang ay nasawi ngayong Abril.

Probinsya

Catanduanes, niyanig ng magnitude 6.1 na lindol

 “The latest two deaths were six-month-old infants and a 23-year-old, all males,” ani Miravite.

Gayunman, ipinaliwanag ni Miravite na mababa ang bilang mga mga namatay sa sakit sa unang tatlong buwan ngayong taon kumpara sa naitala sa kaparehong panahon nitong 2022.

Pinayuhan din nito ang mga residente sa lungsod na ugaliing maglinis ng kanilang paligid upang hindi na kumalat ng sakit.

Philippine News Agency