Chill lang na sinagot ni Asia’s Songbird Regine Velasquez ang isang mean tweet kamakailan.

Sa isang episode ng Magandang Buhay noong Miyerkules, Abril 19, bahagi ng segment ang pag-react ng mga host na sina Regine, Melai Cantiveros at Jolina Magdangal sa ilang mean tweets sa baul patungkol sa kanila.

Una ngang sumalang si Songbird kung saan pinuntirya noon ng isang basher ang pagkakabilang niya sa isang men's magazine.

“Kadiri nasa top ten sexiest women si Regine Velasquez!!! Ewwww!!!” mababasa sa lumang tweet sa singer.

Tsika at Intriga

Mark Andrew Yulo, naniniwalang babalik sa kanila ang anak na si Carlos

Matatandaang nag-landing noon sa Top 7 si Songbird bilang 2010 Sexiest Women sa bansa ng dating FHM Magazine.

“ANG TABA NI REGINE VELASQUEZ. There. I said it,” sey naman ng isa pang tweet.

Depensa ni Songbird: “Nung time na napasama ako dun sa [Top 10 sexiest women], sexy talaga ako dun oh.”

“Sobra, ate,” segunda ni Jolina.

“Duuhh, excuse na lang sa inyo,” sey din ni Melai.

“At saka kung feeling mo mataba ako, well, then thank you very much. Alam mo ba nung araw, ‘pag sinasabihan kang mataba parang okay ka, maganda ang buhay mo, mayaman ka. Nung araw,” pagpapatuloy ng OPM legend.

“’Yan ba ‘yung mga voluptuous?” hirit ni Jolens.

“Yes, nung araw ‘pag sinabihan kang mataba ka, ibig-sabihin mayaman ka. So mayaman ako bakit?” pagtatapos ni Songbird.

Sey naman ni Melai, dati pa umano ang tweets na ito at maaaring natutunan na silang mahalin ng bashers.