Kahit saang panig ng mundo ay hindi nakakalimutan ng content creator na si Kristel Fulgar na sumamba, bahagi ng kaniyang marubdob na pananampalataya bilang kaanib ng Iglesia ni Cristo.

Ito ang ibinahagi ni Kristel sa kaniyang social media post nitong Linggo, Abril 23, kung saan habang nagbabakasyon sa banyagang bansa ay nagawa niyang sumadya sa isang lokal.

View this post on Instagram

A post shared by Kristel Fulgar (@kristelfulgar)

Tsika at Intriga

98% ng buhok, nalagas na; Doc Willie may mensahe sa kabataan, mga magulang

“Church day, ✨” mababasa sa caption ng vlogger.

Marami namang mga followers at kapwa kasapi ng INC ang na-inspire sa anila’y “role model” na si Kristel.

“Tunay na Kaanib saan man mag punta , Pagsamba ang laging inuuna 💜🇮🇹,” komento ng isang follower sa Instagram.

“Makikita sa Mata na napaka powerful ng pagsamba 😍 role model. 😍”

“One of my goals, makasamba sa iba't ibang lokal. 🥺❤️”

“DREAMMM..makasamba sa ibat ibang kapilya sa ibang bansa!”

Noong Setyembre 2022, una ring hinangaan si Kristel ng kapwa kasapi matapos magawa rin niyang makasamba habang nagbabakasyon sa Banwol Island sa South Korea.

Basahin: Kristel Fulgar, sumamba sa isang kapilya ng Iglesia ni Cristo sa S. Korea; Ka Tunying, proud sa vlogger – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid