Sa halip na mainis ay tawang-tawa pa sa sariling mean tweet si Kapamilya host Melai Cantiveros kamakailan.

Game na game na naki-react ang celebrity mom sa lumang mga tweet at pang-ookray sa kaniya sa episode ng Magandang Buhay noong Miyerkules.

“Manggigil ako dito. Baka kilala ko ‘tong mga nambash sa akin,” hirit na panimula ng host at sunod na binasa nga ang malalang pang-ookray.

“Ang panget ni Melai Cantiveros masyado na syaang O.A sa kapangitan kasura yung muka nya!” mababasa sa tweet.

Relasyon at Hiwalayan

Pagpapakasal dahil lang sa anak, 'di bet ni Janella Salvador

Agad na react ng host: “Ang panget ni Melai Cantiveros, ano ba to? Mean ba to o totoo?”

Makikita namang tawang-tawa ang kapwa hosts na sina Regine at Jolina.

“Hindi naman ‘to mean ha! This is reality! Chareng!” pando-dogshow ng host sa sarili.

Lalo pang ikinahalakhak ng MB hosts ang sumunod na tweet na tila mas malala pa sa nauna.

“Pangit talaga ni #Melai Cantveros nakakasira xa ng production number mukhang xang anito! Hahahaha,” sey ng mean tweet kung saan napa-"Huy grabe naman" at tawang-tawa lang na binasa ni Melai.

“Bakit may apelyido? Baka masama pa yung mga Cantiveros clan sa GenSan [General Santos],” hirit ni Melai habang patuloy ang paghalakhak nina Jolina at Songbird.

“Grabe rin yung tawa niyong dalawa. Nanggigil din ako sa inyo dalawa imbis na ipagtanggol niyo ‘ko, pinagtawanan niyo lang ako,” sey naman na ni Melai sa fellow hosts.

“Feeling ko ‘yung isa, Jason. Ito isa mama ko. Keep it up,” lalo pang paghalakhak ng studio sa teyorya ni Melai kung sino ang nasa likod ng mga tweet.

Gayunpaman, kebs naman sa huli ang Kapamilya star sa mga pang-ookray sa nasabing tweet.

“Pero okay lang naman ‘yun kasi may mga ganun talaga. Minsan nagpapaligaya din ‘yun sa atin kasi nakakatawa,” sey ni Melai.

Pagpapaalala naman ni Songbird sa kapwa host: “Pero gusto ko lang sabihin sa’yo na hindi ka panget, maganda ka.”

Sa huli, ipinunto rin ni Jolina na bilang public figures ay “wala nang kawala” ang kagaya nila sa mga opinyon ng madla at ang iba ay “mema” lang aniya.

“Sa lahat ng mga nag-tweet niyan, God bless po sa inyo,” sey ni Jolina.

Basahin: Songbird, rumesbak matapos tawaging ‘mataba’ sa isang mean tweet – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid