Nagpasalamat ang talent manager na si Ogie Diaz sa mga nakiramay sa kanilang pamilya na nagluluksa ngayon sa pagpanaw ng kanilang ina.

Ito ang laman ng social media update ng showbiz insider kasunod ng anunsyo rin ng pagyao ng mahal na ina sa edad na 87 anyos, kalakip ang dalawang larawan.

Elijah Canlas, emosyonal na inalala yumaong kapatid sa concert ni Olivia Rodrigo

“Salamat sa lahat ng pakikiramay sa pagpanaw ng aking mahal na ina, si Aling Mameng,” anang manager.

“87yo, hindi na kami choosy. At least, naipikit niya ang kanyang mga mata na kumpleto ang kanyang mga anak,” dagdag na detalye ni Ogie.

Proud naman ang anak na naibigay niya ang lahat ng pangarap ng kanyang ina noong nabubuhay pa ito.

“Salamat sa lahat ng sakripisyo at pagiging selfless, Nay! Mahal kita. Magkasama na kayo ngayon ni tatay, ❤️❤️❤️” pagtatapos niya.

Bumuhos ang pakikiramay ng netizens, kapwa celebrities at mga kaibigan sa nagdadalamhating si Ogie.

Kabilang sa kanila ang aktres na si Carmi Martin, si Jules Giang at si dating Vice President Leni Robredo.