MALVAR, Batangas -- Patay ang isang drayber matapos mabangga ang minamaneho niyang shuttle bus sa center island sa Barangay San Pioquinto, dito, nitong Sabado ng umaga, Abril 22.

Sa ulat, kinilala ang biktima na si Edgardo Ocampo, 44, residente ng Barangay Banlic, Cabuyao City, Laguna. Minaneho niya ang KIA DNS shuttle, na may plate number na WVQ119, at nakarehistro sa Leashed - BPI Corporation, Makati City.

Nabatid sa imbestigasyon na alas-4:30 ng umaga, ang bus ay patungo sa direksyon ng Lipa City mula sa Barangay San Pioquinto, at pagdating sa nasabing lugar ay bumangga ang sasakyan sa center island.

Rumesponde ang Municipal Disaster Risk Reduction Management Office, Bureau of Fire Protection, Barangay Pioquinto Rescue Team, at Malvar police, habang ang biktima ay naipit sa manibela kung saan inalis siya ng rescue team.

Probinsya

Atimonan mayor, kinondena pamamaslang sa 10-anyos na batang babae

Nadala pa siya sa Metro Lipa Medical Center ngunit idineklarang patay na dahil sa matinding sugat na natamo sa iba't ibang bahagi ng katawan.