Bentang banter na naman nina Senyora at Moira Dela Torre sangkot ang isa pang online personality ang mega-viral ngayon sa Facebook.

Unang nang-dogshow kamakailan ang sikat na online icon sa “Kumpas” singer at nadamay pa nga ang kapwa online content creator na si Sammy Manese.

Kamakailan kasi ay peg ni Sammy si Moira sa ilang selfies.

Claudine umapela ng dasal para sa 87-anyos na nanay: 'She is the only parent I have left'

As usual, ay nakarating ito kay Senyora na siya namang ipinadala sa isang comment section ng singer.

“Pabata nang pabata Moira! Mukhang kailangan ko na talaga ma-broken,” sey ni Senyora kalakip ang pak na pak na mga picture ni Sammy channeling Moira.

Laugh trip namang sumagot ang singer na may singit pang atake: “Senyora, maganda po sya, pero hindi po ako yan. Akala ko po boobs lang hanap nyo baka gusto mo na rin ng salamin.”

“Wala ka man lang preno Moira!! 😡” reaksyong tugon lang ni Senyora sa hiwalay na Facebook post na kinagiliwan na ngayon ng nasa higit 126,000 Facebook users.

Samantala, winner naman si Sammy sa pag-notice sa kanya ni Moira.

Kilala sa kanilang nakakatawang banter si Senyora sa ilan pang prominent celebrities kagaya ni Pia Wurtzbach, Ivana Alawi, at Moira Dela Torre, bukod sa iba pa.