Nagdiriwang ng ika-53 kaarawan ang pop culture icon ng bansa na si Asia’s Songbird Regine Velasquez nitong Sabado, Abril 22, kung saan inalala siya ng ilang mahal sa buhay at malalapit na kaibigan sa showbiz industry.

Una syempre sa mga bumati ang mister nitong si OPM singer-songwriter na si Ogie Alcasid na dalawang magkahiwalay na Instagram post pa ang inalay para sa misis.

View this post on Instagram

A post shared by Ogie Alcasid (@ogiealcasid)

Tsika at Intriga

Mark Andrew Yulo, naniniwalang babalik sa kanila ang anak na si Carlos

Matamis na sorpresa rin ang bumungad kay Regine matapos ang surprise flower ni Ogie sa asawa.

Sa naturang post ay bumuhos ang pagbati sa OPM icon mula sa mga kapwa kasamahan sa music industry at mga kaibigan sa showbiz.

Nariyang bumati si Anne Curtis, kapwa OPM icon at Queen of Soul na si Jaya, Asia’s Balladeer Christian Bautista, Klarisse de Guzman, Ryan Agoncillo, Jugs, Manilyn Reynes, Gian Magdangal, Janno Gibbs, at Arnold Clavio.

Nagpaabot din ng pagbati sina Vhong Navarro, Angeline Quinto, Dingdong Avanzado, Jed Madela, Martin Nievera, Sylvia Sanchez, Nikki Valdez at Maestro Louie Ocampo.

Sa isa pang social media post ni R&B Queen Kyla, espesyal na binati rin nito si Songbird kalakip ang mga throwback photos ng kanilang mga performances onstage.

Gayundin ang makikita sa latest Instagram update ni Jaya kung saan inalala nito ang kaawaran ng kaniyang mare.

“Happy happy birthday Mare!!! I love and miss you and I absolutely appreciate you and your love and kindness, your friendship, everything!!! May you have a blast today. And God bless you always…@reginevalcasid,” pagbati ni Jaya sa kaibigan.

Hindi lang ng industriya kundi maging ng fans ni Songbird ay binigyang-pugay din ang Pinay icon para sa kanyang hindi matatawarang ambag sa industriya at kultura ng bansa.

Basahin: Morissette Amon, papalit daw sa trono ni Songbird, sey ng isang Canadian producer – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid