Pinag-iingat ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang publiko laban sa pekeng social media account ni Secretary Rex Gatchalian.
"Nais ipagbigay-alam sa publiko ng DSWD na HINDI official Instagram account ni Secretary REX Gatchalian ang username na, "rex_gatchalian1," ayon sa Facebook post ng ahensya.
"Anumang post nito o ipinapadalang mensahe ay walang kaugnayan sa Kalihim at sa DSWD," lahad nito.
Binigyang-diin ng ahensya, tatlo lamang ang opisyal na social media accounts ni Gatchalian na kinabibilangan ng mga sumusunod:
Facebook: REX Gatchalian Instagram: @rex_gatchalian Twitter: @rex_gatchalian Apat namana ang official online accounts ng DSWD:
Facebook: @dswdservesTwitter: @dswdservesYoutube: @dswdservesInstagram: @dswdphilippinesNanawagan din ang DSWD na isuplong sa mga awtoridad ang naturang fake account at ang iba pang naglipanang dummy account ni Gatchalian at ng DSWD.
"Mag-ingat at maging mapanuri sa anumang nababasa online upang hindi maging biktima ng maling impormasyon," idinagdag pa ng DSWD.