Nagpahayag na nang kaniyang saloobin ang lalaking netizen na binansagang "Kuya Mark" na gumamit umano ng ride-hailing app para ipasundo ang kaniyang jowa, ngunit natuklasan may kasama itong ibang lalaki.

Tampok sa video ng isang moto-vlogger na nagtatrabaho sa ride-hailing app na JoyRide kung saan isang lalaking nagngangalang 'Mark' ang gumamit ng app para sunduin ang kaniyang kasintahan.

Sa hindi inaasahang pangyayari, natuklasan ng rider na ang kasintahan na ipinapasundo ni Mark ay may kasama ibang lalaki.

Matapos no’n ay kinausap ng rider ang dalaga at nagulat ito nang sabihin nito sa kaniya na kapatid niya si Mark at hindi niya boyfriend.

Human-Interest

Asong malungkot din sa pagkamatay ng fur dad, dumurog sa puso ng netizens

Kamakailan nga lamang ay lumitaw na umano ang “Pambansang kuya” na si Mark para magbigay ng kaniyang saloobin sa naging kontrobersiyal na video ng kaniyang kasintahan.

Sa Vlog ni Tony Corong, ayon umano kay Mark na nabigla siya pagkatapos niyang mapanood ang video. Aniya, naging emosyonal siya at sobra ring nasaktan dhail hindi niya inaasahan na ganoon pala ang ginagawa ng babae.

https://fb.watch/k3gXdH58w2/?mibextid=Nif5oz

Dagdag pa ni Mark na napatawad na niya si Ate Gurl ngunit mahihirapan siyang makipagbalikan dito kung sakaling magkaayos sila dahil sa "lamat" na naging dulot nito.

Payo niya sa lahat ng mga niloko na, huwag na raw subukang gumanti dahil parang wala rin itong pinagkaiba sa ginawa ng kasintahan na nagawang magloko. Aniya na mas piliin pa rin na maging mabuting tao.

Sa ngayon, ani Mark na tututok muna siya sa kaniyang sarili lalo na sa pag-aaral, pamilya, at mga kaibigan dahil sa dami ng aral na kaniyang natutunan dahil sa pangyayaring ito.

Nais mo bang mai-feature ang iyong storya o ‘di kaya mayroon kang larawan at video na gusto mong i-share? I-message mo lang kami sa aming Facebook at Twitter!