Sumurender sa mga awtoridad ang anim na miyembro ng New People's Army (NPA) sa Zamboanga del Sur at Zamboanga Sibugay nitong Biyernes.

Ang mga nagbalik-loob sa pamahalaan ay kinilala ng Area Police Command-Western Mindanao (APC-WM) na sina Misa Sarmiento, Margie Mapula, Olympio Dinolan, Julieta Brade, Bienvenido Lara, at Alvin Ocnip.

Sina Sarmiento at Mapula, kapwa miyembro ng nabuwag na NPA Guerrilla Front Kara, ay sumuko sa Guipos Police Station sa Guipos, Zamboanga del Sur, dakong 10:30 ng umaga.

Dakong 11:00 ng umaga, sumurender naman si Dinolan kay Councilor Rollie Rambo sa Pitogo, Zamboanga del Sur.

Probinsya

Catanduanes, niyanig ng magnitude 6.1 na lindol

Matapos ang halos isang oras, sumuko naman si Brade kay Councilor Mansueto Martinez ng San Miguel Zamboanga del Sur.

Si Brade ay dating kaanib ng NPA Regional Urban Committee. Boluntaryo ring nagbalik-loob sa gobyerno si Lara sa Barangay Manangon, Diplahan, Zamboanga Sibugay. 

Dating naging miyembro Guerilla Front Beautiful Country si Lara.

Bukod sa kanyang sarili, isinuko naman ni Ocnip, dating kaanib ng Main Regional Guerilla Unit ng NPA,  ang kanyang Magnum .357 revolver sa Brgy. Tampilisan, sa Kabasalan sa naturang lalawigan.

Inihahanda na ng pamahalaan ang financial assistance na gagamitin sa pagbabagong-buhay ng anim na dating rebelde.

Philippine News Agency