Pinag-iingat ng isang opisyal ng Department of Health (DOH) ang publiko laban sa tumitinding init ng panahon ngayong tag-init.

Ito ay kasunod ng pagtaya ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) na posibleng umabot sa 56°C ang pinakamataas na heat index sa Catbalogan, Samar sa Abril 25.

Babala naman ni DOH Undersecretary Eric Tayag, sa isang radio interview, posibleng magdulot ng heat stress at heat stroke ang tumitinding temperatura sa bansa.

"Yung heat stress at heat exhaustion, pawis na pawis tayo niyan. Mauuhaw po tayo niyan.  'Yung iba maaaring himatayin. Pero 'yung heat stroke, wala ka nang pawis non," aniya.

Probinsya

Catanduanes, niyanig ng magnitude 6.1 na lindol

Idinagdag pa ni Tayag, uminom lamang ng sapat na tubig upang maiwasang ma-heat stress at heat stroke at magdala rin ng payong kapag lumabas ng bahay.