Nasa 300 na dating miyembro ng New People's Army (NPA) na nag-o-operate sa Metro Manila ang inayudahan ng pamahalaan nitong Sabado.

Sa social media post ng Department of Social Welfare and Development (DSWD), ang nasabing bilang ay kasama sa mga nabigyan nila ng tulong sa ginanap na distribution of assistance sa Bagong Silang, Caloocan City.

Ang mga dating rebeldeng pawang miyembro ng Zone One Tondo Organization (ZOTO) at Koalisyon ng Maralita (KnM) ay naka-base sa Caloocan, Manila, at Pasig sa Metro Manila, at karatig-probinsya tulad ng Bulacan, at Rizal.

Tumanggap ng Family Food Packs (FFPs) ang mga dating kaanib ng kilusan, ayon sa DSWD.

Probinsya

Catanduanes, niyanig ng magnitude 6.1 na lindol

Ang aktibidad ay pinangunahan ng Peace and Development Task Force (PDTF), Armed Forces of the Philippines (AFP), Philippine National Police (PNP) at DSWD.