Abot-abot ang pasasalamat sa Diyos ng mag-asawang sina Rodjun Cruz at Dianne Medina matapos makalabas agad sa ospital ang 2 taong-gulang lang na anak matapos magpositibo sa dengue fever kamakailan.

Nakalabas na kamakailan si Baby Joaquin Ilustre sa St. Luke’s Medical Center sa Quezon City matapos ilang araw na ma-confine dahil sa dengue.

Basahin: 2-anyos lang si Baby Joaquin nina Rodjun Cruz at Dianne Medina, nagpositibo sa dengue – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ito ang magkahiwalay na update ng celebrity couple sa kani-kanilang Instagram account.

Relasyon at Hiwalayan

Pagpapakasal dahil lang sa anak, 'di bet ni Janella Salvador

“Yehey! Thank you Lord! We're going HOME! Thank you Dra Beth Tanco for patiently answering all my praning questions and also to my brother Dr Joseph Medina for taking care of Joaquin also. Thank you also Sir Mel Saceda for constantly checking on us,” mababasa sa post ng actress-host.

“Yehey Thank you Lord! We're going HOME! 👨‍👩‍👦😍🙏🏻,” parang nabunutan ng tinik na caption din ng Kapuso actor kalakip ang mga larawan nila sa ospital.

Ilang kasamahan naman sa showbiz ang ikinasaya ang good news ng mag-asawa.