Ikinabahala ng King of Talk Boy Abunda ang kalagayan ng host at comedian na si Boobay, matapos naging "unresponsive" ito sa kaniyang interbyu sa Fast Talk with Boy Abunda nitong Huwebes, Abril 20.

Ayon pa kay Tito Boy, naintindihan niyang "happy place" ng komedyante ang pagpe-perform, pero kailangan din umano niyang magpahinga at pangalagaan ang sarili.

BASAHIN: https://balita.net.ph/2023/04/21/boobay-naging-unresponsive-sa-interview-sa-fast-talk/

Aniya, "Naiintindihan ko rin 'yung happy place mo ito, na kapag nagpe-perform ka para kang nagpapahinga dahil 'yun talaga ang safe place, ika nga ng marami sa atin. But, again you have to take care of yourselves."

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Inalam naman ni Tito Boy kung bakit gustong-gusto ni Boobay na magtrabaho kahit na minsan ay kulang ito sa pahinga.

"Halimbawa, wala kang tulog tapos tumatanggap ka ng trabaho. Why? Why you are working so hard?," tanong ni Tito Boy.

"At some point I'm saving para sa akin," deretsahang sagot ni Bobay.

"Though nabigay ko na 'yung mga dapat kung gawin para sa akin... Sa tatay ko, sa family ko. Nabigyan ko na sila ng bahay at sasakyan.

"Ngayon, kakakuha ko lang ng aking bagong tirahan sa San Juan. Parang kailangan ko pa rin na mag-ipon kasi hanggat merong nagbibigay sa'yo ng pagkakataon na mag-ipon... kunin ko 'yan baka kasi next time mawala na 'yun," dagdag pa ng komedyante.

Gaya naman ni Tito Boy, maraming netizens din ang nag-aalala sa health status ni Boobay. Pinuri rin nila ang mabilis na pagtulong ni Tito Boy sa komedyante.