Namatay sa edad na 25 ang miyembro ng Korean pop boy group Astro na si Moonbin ayon sa ulat ng ilang local media.

Natagpuang wala nang buhay sa bahay nito sa Gangnam-gu, Seoul ang Kpop star dakong alas-8:10 ng gabi ng Abril 19 sa South Korea.

Ayon din sa mga report, hindi rin nawawala ang posibilidad na binawian ni Moonbin ang sarili nitong buhay. Gayunpaman, dadaan sa autopsy ang labi nito upang malaman ang tunay na dahilan ng pagkamatay.

"It appears that Moonbin took his own life. We are currently discussing the possibility of an autopsy to determine the precise cause of death," anang awtoridad sa report ng Korean entertainment news outlet na Soompi.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Nakatakda sanang magtanghal si Moonbin sa nalalapit na Dream Concert bilang bahagi ng ASTRO unit na Moonbin&Sanha.


Para sa kaukulang tulong ng mga propesyonal at awtoridad, maaari kang tumawag sa mga numerong ito:

Manila Lifeline Centre

Landline: (02) 8969191

Mobile phone: 0917-854-9191

National Mental Health Crisis Hotline:

Luzon-wide landline: 1553

Mobile phone: 0966-351-4518, 0917-899-8727, 0908-639-2672.

Hopeline Philippines

Landline: (02) 88044673

Mobile phone: 0917-558-4673, 0918-873-4673