Inaresto na operatiba ng Northern Police District (NDP) ang dalawang magkapatid na lalaki at nasamsaman ng P408,000 halaga ng pinaghihinalaang shabu sa ikinasang buy-bust operation sa Caloocan City nitong Huwebes, Abril 20.

Kinilala ng NPD- District Drug Enforcement Unit (DDEU) ang mga suspek na sina Ronald "Dudong" Alinapon, 45, at Rey Manuel "Tata" Alinapon, 40, parehong residente ng Barangay 188, Caloocan City. 

Pareho rin sila kinilala bilang high-value individuals (HVI)

Nakumpiska sa suspek ang medium at large na plastic sachets na naglalaman umano ng 60 gramo ng umano'y shabu.

Metro

Mayor Lacuna: Payout sa 203K seniors, malapit nang matapos

Ang mga naarestong suspek ay dinala sa NPD-DDEU office at mahaharap sila sa kasong paglabag sa Republic Act No. 9165 or ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002, ayon sa pulisya.