Dumating na sa Palawan ang mahigit sa 3,500 laptop na ipamamahagi sa mga paaralan sa nasabing lalawigan.

Nitong Abril 13, lumapag sa Puerto Princesa International Airport ang eroplanong C-130 sakay ang 3,542 na laptop mula sa Department of Education (DepEd) Central Office sa Manila.

Nasa 77 eskwelahan sa naturang lalawigan ang makikinabang sa mga nasabing computer.

Bawat paaralan ay mabibigyan ng 46 unit nito upang masuportahan ang pagtuturo at pag-aaral ng mga estudyante.

Probinsya

Catanduanes, niyanig ng magnitude 6.1 na lindol

Nai-deliver na sa DepEd Schools Division Office sa Puerto Princesa City ang mga nasabing laptop.