Inaasahang babawi ang crowd-favorite Ginebra San Miguel sa Game 6 laban sa TNT sa PBA Governors' Cup best-of-seven final series sa Araneta Coliseum sa Biyernes, Abril 21, dakong 5:45 ng hapon.

Sinabi ni Gin Kings coach Tim Cone, gagawin ng koponan ang kanilang makakaya upang maitabla sa 3-3 ang serye at magkaroon pa ng 'winner-take-all.'

Itinumba ng Tropang Giga ang Ginebra, 104-95, sa Game 5, matapos iwan ni Gin Kings import Justin Brownlee ang laro dahil sa food poisoning.

Nakaipon lamang ng 14 points si Brownlee sa naturang laban.

National

Sen. Bong Go, pinakiusapan si Sen. Imee na pagkasunduin muli sina PBBM, VP Sara

Matapos lumabas sa playing court si Brownlee, nawala na ang atensyon ng koponan sa paglalaro na naging dahilan ng kanilang pagkatalo.

Napilitang isugod sa ospital si Brownlee dahil sa matinding pagkalason, ayon kay Cone.

Umaasa rin si Cone na makakarekober si Brownlee sa loob ng 48 oras upang makalaro sa Game 6.

Hawak na ng TNT ang 3-2 bentahe sa serye.