Tinatayang 47.30% examinees ang nakapasa sa April 2023 Midwifery Licensure exam, ayon sa Professional Regulation Commission (PRC) nitong Miyerkules, Abril 19.

Sa inilabas na resulta ng PRC, 1,210 ang pumasa mula sa 2,558 na kumuha ng naturang pagsusulit.

Hinirang na topnotcher si Ronnie Vincent Bolasco Antivo mula sa Jose Rizal Memorial State University-Dapitan matapos siyang makakuha ng 90.05% rating.

National

Nancy Binay, nilinaw na 'di kaaway ang kapatid na si Abby: 'Pamilya pa rin kami!'

b2.jpg
Courtesy of PRC

Naging top-performing school naman ang Bataan Peninsula State University-Main Campus na may 97.22% overall passing rate.

b1.jpg
Courtesy of PRC

Isinagawa umano ang naturang April 2023 Midwife board exam noong Abril 13 hanggang 14, 2023 sa mga testing center sa National Capital Region, Baguio City, Butuan, Cagayan de Oro, Cebu, Davao, Iloilo, Koronadal, Legazpi, Lucena, Pagadian, Pampanga, Rosales, Tacloban, Tuguegarao, at Zamboanga.