Nagpapatupad na ng indefinite ban ang provincial government ng Negros Oriental laban sa karneng baboy at produkto nitong nanggagaling sa Cebu at iba lugar na apektado ng African swine fever (ASF).

Ito ay kautusan ay nakapaloob sa Executive Order No. 23 na pirmado ni Governor Carlo Jorge Reyes nitong Abril 18.

Partikular na ipinagbabawal ang pagpasok sa lalawigan ng mga buhay na baboy, karne at mga produkto nito.

Nauna nang naiulat na tinamaan ng ASF ang Carcar City sa Cebu bago ituro ang Negros na pinagmulan ng sakit.

Probinsya

Catanduanes, niyanig ng magnitude 6.1 na lindol

Philippine News Agency