Kinondena ni Davao de Oro Vice Governor Jayvee Tyron Uy nitong Martes, Abril 18, ang pagkamatay ng official photographer ng kaniyang opisina noong Linggo, Abril 16, dahil umano sa mabilis na pagpapatakbo ng isang motovlogger.

Matatandaang naiulat na nasawi ang biktimang si Ronel Renz Alvarez, 27, matapos umanong mabangga ng motor ng motovlogger na kinilalang si Aldwin Gono, 27, mula rin sa Davao de Oro.

BASAHIN: Motovlogger na nakapatay umano ng isang lalaki, kakasuhan; biktima, nakatakda pang ikasal

Sa pahayag ni Uy, binigyang-diin niyang hindi umano “playgrounds” ang mga pampublikong daan, kaya’t nararapat lamang daw na magmaneho ang bawat isa nang maayos at ligtas sa mga uri ng aksidente.

Probinsya

Catanduanes, niyanig ng magnitude 6.1 na lindol

“It is none of our wishes for anyone to pass in this manner and we can always help to avoid getting into these types of accidents if we are careful and vigilant not only with ourselves, but also with the people around us,” ani Uy.

Nagpahayag din ang bise gobernador ng pagluluksa at pakikiramay sa pamilya ng biktima.

“The untimely demise of Ronel has brought shock and grief to our department as he is still very young with a bright future ahead of him. We are very proud of Ronel for having achieved much and even earning various awards in his career as a photographer in the short time that we were with him,” saad ni Uy.

Nakiramay rin ang bise gobernador sa pamilya ni Alvarez at sinabing nakatuon ang kanilang opisina sa imbestigasyon ng mga awtoridad upang mas mapabilis umano ang paglutas ng nasabing kaso.