Nilinaw ng Kapuso comedienne na si Kiray na hindi lamang "forda content" ang vlog niya tungkol sa pagbibigay ng umaatikabong 1 milyong piso sa kaniyang ina, na talaga namang napa-sana all ang mga nakapanood na netizens.

May mga nag-aakusa kasi kay Kiray na kaya lang niya ito ginawa ay para pagkakitaan; makukubra o mababawi rin naman daw ang ganoong halaga kapag tumabo ang views ng kaniyang vlog.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Sa isang panayam, sinabi ng komedyana na matagal na niyang naipon ang pera para sa ina. Plano niya talagang ibigay ito sa kaniyang kaarawan upang maging masaya ito.

Gagamitin umano ng ina ang limpak-limpak na pera upang magpatayo ng bahay sa loteng regalo niya rito.

“Kasi matagal na nakatengga 'yung bakanteng lote na binili ko rin po sa kaniya," ani Kiray.

Kuwento pa ni Kiray, antimanong bumili na ng materyales ang kaniyang ina upang masimulan na ang pagpapagawa ng bahay, na gagawin nitong paupahan.