Kinikilig at masayang ibinahagi ni Divine Diva Zsa Zsa Padilla ang bagong krus sa puntod ng kaniyang yumaong asawa na si Comedy King Dolphy.

“Added a cross to Dolphy's crypt,” lahad nito sa kaniyang Instagram post.

Ibinahagi rin ni Zsa Zsa ang na-imagine niyang reaksiyon at pag-uusap nila ni Dolphy.

“And my imagined conversation with him went like:

Eleksyon

Ex-Pres. Rodrigo Duterte, tatakbong mayor sa Davao City; ayaw tumakbong senador?

Dolphy: Wow, after 10 years napagawa mo na din ah!

Me: Yup, umabot nga ng 10 years! Di lang expression na 10 years! After 10 years talaga! Ganda, di ba?,” aniya.

Makikita naman sa comments section ang pagpapasalamat ng isa sa mga anak ni Dolphy na si Eric Quizon kay Zsa Zsa.

Higit sa 2 million views naman ang post ni Zsa Zsa sa kaniyang TikTok account kung saan ipinakita niya kung paano mismo ikinabit ang nasabing krus para kay Dolphy.

“After 10 years, nakahanap din ako ng supplier na gumawa ng cross para sa crypt ni Dolphy! Super excited ako kanina and until now nakangiti ako

talaga. Sana nagustuhan nya,” lahad ng Divine Diva.

Hinangaan naman si Zsa Zsa ng netizens at sinabing bagama’t wala na si Dolphy ay talagang mahal niya pa rin ito.

“Ito talaga yung one great love kahit wala si dolphy alam mo yun inlove parin siya pag si dolphy na nagpag uusapan grabi idol kita madam,” sey ng isang netizen.

Nakalagak ang mga labi ni Dolphy sa Heritage Memorial Park, kung saan gugunitain ang 11th death anniversary nito sa darating na Hulyo.