Kilala man bilang isa sa OG sa bansa pagdating sa content creation, cosplay at maging sa online gaming industry, hindi naman ito naging dahilan para lumaki ang ulo ni Alodia Gosiengfiao na pinatotohanan ng fans sa isang viral post.

Ito ay matapos ang viral na pagbabahagi ng isang fan na ang-fanboy matapos makasabay si Alodia at kaniyang kapatid na si Ashley sa isang elevator.

Tsika at Intriga

Chloe San Jose, mas pinipiling maging 'authentic' na tao kaysa people-pleaser

“Nag aabang sila kung magpapa-picture ako. Nakahinto sila nag aabang kung magpapa-picture ako. Pero since floor na nila ‘di ko na pinilit,” kuwento ni Amiel Daril Cheng Marianito na mas piniling igalang ang private time ng magkapatid.

“Super happy ni Ashley at Alodia sila pa nag-thank you, 😭” dagdag ng fan na aminadong kinilig sa pambihirang encounter sa celebrity sister.

“Tawa n[an]g tawa si Ashley sa’kin kasi kinikilig ako. Sabay sabi ni Alodia ‘See you Around’ n[an]g nakangiti,” pagpapatuloy ni Amiel sa aniya’y pagiging humble ng magkapatid.

Certfied core memory naman ang encounter sa dalawa para sa fan lalo pa nang mapansin ito ni Alodia mismo.

Viral ang screenshot ng post ni Amiel sa Facebook account ng cosplayer.

“Next time don’t worry! Always happy to meet people who appreciate what we do! 🤍Nice to meet you, Amiel! ‘Til next time!” mababasang caption ni Alodia.

Sa comment section, napuno naman ng kuwento rin ukol sa kabaitan ng online personality ang mababasa mula sa fans.

“Kung sino ka man, the feeling is mutual kahit ilang taon na namin silang nakasama hahahaha sobrang bait talaga yang magkapatid na yan,🥹❤️” sey ng isang netizen.

“Dalawa sa pinaka down to earth na nakilala ko,❤️” sey rin ng kapwa content creator na si Albert Nicolas.

Isang Josh Anciano pa na isang aspiring content creator din ang napa-kuwento sa kanyang encounter kay Alodia sa Japan.

“I remember nung Japan meet namin sa Odaiba, she was super down-to-earth na I felt like I wasn’t a supporter at that time but a friend. Couldn’t even imagine her saying ‘I’m so proud of you’ (context: I uploaded a video of me doing a voice impression ofa public figure and it blew up with her help by sharing it with her community and yet she’s the one who celebrated it when we met) hung out with her and the rest of the gang for a good 15-30 mins while she was vlogging.

“’Di ko talaga inexpect her to be that humble and friendly. I even get to hug her twice that day. That experience went beyond my expectations. Kaya the level of respect I have for this woman is truly top tier,” sey ng netizen kalakip ang larawan nila ni Alodia sa nasabing Japan trip.

“Nakasabay ko din kahapon si Boss A sa pag-aayos naming [ng] visa, super humble [niya] pumila pa sya huhu. Hindi ako nakapagpapicture kasi bawal magphone,” dagdag ng isa pang fan kalakip ang nakatalikod at nakapila pang larawan ng online personality.

“Yes sawAshley Gosiengfiaosa decathlon she was super nice and approachable,” isa pang testimonya sa kabaitan ng magkapatid.

“I hope he doesn't hold back next time! If you see both ateAlodiaandAshleyin person, don't hesitate to approach them!! They're very kind and sweet!! Met them a couple of times already and I do miss it myself!!!”

Ilang casual netizens naman ang napa-sana all na lang para sa oportunidad na makadaupang palad ang magkapatid.

Sa pag-uulat, pinusuan at ni-like na ng nasa mahigit 61,000 beses ang ngayo’y viral post ni Alodia sa Facebook.